Kabacan, Cotabato – Arestado ng mga operatiba ng Kabacan MPS ang Top 1 Most Wanted Person (City Level) sa kasong paglabag sa RA 10591 nitong Martes, ika-30 ng Agosto 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Miridel Racho Calinga, Officer-In-Charge ng Kabacan MPS, ang suspek na si Gabriel Akmad Tito, 30, may asawa, residente ng Plang Village II Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Ayon kay PLtCol Calinga, naaresto ang suspek bandang 1:00 ng madaling araw sa Rizal Avenue Brgy. Poblacion Kabacan, Cotabato ng pinagsanib na puwersa ng Pagalungan MPS, 1st PMFC Maguindanao at Kabacan MPS.
Dagdag pa ni PLtCol Calinga, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang mga ganitong operasyon ay isa sa mga hakbang ng Philippine National Police upang sugpuin ang kriminalidad at panatilihing payapa ang ating komunidad.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia