Tineg, Abra – Muling namahagi ng mga relief goods ang Tineg PNP sa mga residenteng naapektuhan ng lindol sa Barangay Alaoa at Apao, Tineg, Abra nito lamang Agosto 3, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jonathan F Canilang, Acting Chief of Police ng Tineg Municipal Police Station katuwang ang Tineg Department of Social Welfare and Development at Local Government Unit na pinangunahan ni Honorable Mayor Brethen Jireeh Crisologo.
Naipamahagi sa mga residente ang assorted food packs, mga sapatos galing sa Marikina Shoe Exchange at mga bottled water.
Ang PNP at iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong publiko sa anumang oras at handang tumulong sa lahat ng nangangailangan.
Source: Tineg MPS
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya