Carmen, Cebu – Kasabay ng turn-over at blessing ng ‘“Kapehan sa Pulis ug Katawhan” ng Carmen Police Station, matagumpay din na inilunsad ng mga miyembro ng naturang istasyon ang proyektong “Tindahan Mo, Ablihan ni TSIP” sa Brgy. Poblacion, Carmen, Cebu nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Mayo 2022.
Ang mga nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Acting Chief of Police ng Carmen Police Station na si Police Major Eric C Gingoyon na siyang pormal na dinaluhan ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7.
Ayon kay PMaj Gingoyon, sa naturang programa ay opisyal na tinanggap ng kauna-unahang recipient ng proyektong, “Tindahan Mo, Ablihan ni TSIP” na si Nanay Cecilia Pupa ang kanyang sari-sari store.
Si Nanay Cecilia ay isang single mother at may tatlong anak na mula sa Brgy. Poblacion, Carmen. Nagtatrabaho ang Ginang bilang fish vendor sa madaling araw at bilang banana cue vendor sa hapon.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Pupa sa tulong na ipinagkaloob ng kapulisan sa mga ito.
Hangad ng hanay ng PNP na matulungan ang ating mga kababayan na mapaganda at mapagaan ang kanilang pamumuhay.
###