Sunday, May 11, 2025

Testimonial Parade and Review para kay PNP Chief Marbil, idinaos sa PMA

Idinaos ang Testimonial Parade and Review bilang pagkilala kay Police General Francisco D. Marbil, Chief ng Philippine National Police sa Philippine Military Academy (PMA), Fort General Gregorio Del Pilar, Baguio City nito lamang ika-18 ng Enero 2025.

Nabatid na si PGen Marbil ay miyembro ng PMA “SAMBISIG” Class of 1991 at ika-30th Chief ng PNP.

Si PGen Marbil ay ginawaran ng arrival honors mula sa mga kadete, isang makasaysayang tradisyon ng PMA na sumasalamin sa paggalang at pagkilala sa mga alumni na nagpakita ng natatanging kontribusyon sa serbisyo publiko.

Unang ginanap sa Fajardo Grandstand ang Testimonial Parade and Review, isa sa pangunahing bahagi ng seremonya kung saan itinampok ang Pass-in-Review, isang tradisyunal na seremonyang militar na nagpapakita ng disiplina at husay ng mga kadete bilang parangal sa kanilang kagalang-galang na panauhin.

Dumalo rin sa okasyon sina PMGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Acting Deputy Chief for Administration ng PNP, PBGen David K. Peredo Jr., Regional Director ng PRO CAR, at iba pang pangunahing opisyal ng PRO CAR Regional Staff.

Kinilala ng PMA si PGen Marbil sa kanyang kahanga-hangang karera at natatanging kontribusyon sa larangan ng pagpapatupad ng batas.

Ang testimonial parade ay nagsilbing pagkilala sa kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa bayan, matatag na liderato, at mahalagang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ang seremonyang ito ay sumasalamin sa mataas na respeto at paghanga ng institusyon sa mga lider na nag-aambag sa pagpapabuti ng seguridad at kaayusan ng sambayanan.

Panulat ni Patrolwoman Charlyn Rose B Gumangan

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles