
South Cotabato –Tuluyan nang nagbalik-loob sa gobyerno ang isang lider ng Communist Terrorist Group (CTG) at isa pang miyembro nito sa mga awtoridad sa Purok Tanco Brgy. Edwards, Tboli, South Cotabato nito lamang Abril 1, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang dalawang sumuko na sina alyas “Bebot”, Team Leader at alyas “Jan-Jan/John ”, na pawang miyembro ng Guerilla Front (GF) MUSA, Far South Mindanao Regional Command (FSMRC).
Bitbit din ng mga ito sa kanilang pagsuko ang isang yunit ng M16 rifle, dalawang M1 Garand rifle, isang cal.45 pistol, isang Hand Grenade, magazine at mga bala; mga libro na ginagamit para sa recruitment propaganda at iba pang dokumento at personal na kagamitan.
Ibinunyag ng mga sumuko na ang pagod, hirap at bigong pangako ng pamunuan ng CTG ang dahilan ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.
Ang matagumpay na pagsuko ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Tboli Municipal Police Station, Philippine Army at sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at opisyales ng barangay.
Hinahanda na ng mga awtoridad ang mga benepisyong makukuha ng mga Former Rebel sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at agad naman nag-abot ng financial assistance ang LGU-Tboli.
Kaugnay nito, patuloy pa ring hinihikayat ni PBGen Macaraeg ang mga natitira pang tagasuporta at miyembro ng CTGs na sumuko na para magkaroon ng maayos na buhay sa piling ng kanilang pamilya.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12