Saturday, September 21, 2024

“Tawag ng Tanghalan at Tungkulin” ni PCpl Michael Maquilan ng PRO 8

Mapalad na napabilang ang kalahok mula sa Police Regional Office 8 na si Police Corporal Michael Maquilan na kasalukuyang nakadestino sa 1st Leyte Mobile Force Company ng Leyte Police Provincial Office sa Top 10 Finalists ng “Singing Cops of the Philippines 2024” na gaganapin sa ika-27 ng Setyembre, taong kasalukuyan sa Music Museum, San Juan City, Metro Manila.

Ayon kay PCpl Maquilan, bata pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang pag-awit. Nagsimula siyang sumali sa mga kompetisyon noong siya ay tumungtong sa mataas na paaralan bilang kinatawan ng kanyang sekondarya.

Nakilala si PCpl Maquilan nang siya ay nanalo bilang daily winner sa isang kilalang patimpalak ng pag-awit sa telebisyon, ang “Tawag ng Tanghalan Season 4” noong taong 2019. Maliban dito ay naging suki na din ng entablado si PCpl Maquilan kung saan siya ay nakatanggap ng iba’t ibang uri ng premyo at parangal.

Isa siya sa mga bokalista ng PRO 8 Band at sila ay nabigyan ng pagkakataon na maging kalahok sa ginanap na “Online PNP Got Talent” noong taong 2020, kung saan sila ay hinirang bilang 2nd place sa nasabing patimpalak. Siya rin ay dumadalo at nagpapaunlak sa mga imbitasyon ng pag-awit sa iba’t ibang aktibidad at programa ng Police Regional Office 8, upang makapagbigay ng kasiyahan at maibahagi ang kanyang talento sa pagkanta.

Baon ni PCpl Maquilan ang lakas ng loob at suporta ng buong PRO 8 at ng kanyang pamilya na siyang nagsisilbing inspirasyon niya sa parehong pag-awit at pagsisilbi sa bayan.

Ang programang ito ng Philippine National Police ay may layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng kapulisan upang maipamalas ang kanilang talento at para magkaroon ng mas malalim na kaugnayan hindi lamang sa buong hanay, kundi lalo na sa komunidad kung saan sila ay naninilbihan. Higit pa dito ay ang layunin ng naturang patimpalak para sa mga benepisyaryo na may cancer.

Panulat ni Police Corporal Cherry May B Javier

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles