Arestado ang tatlong wanted person sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan ng Quezon Municipal Police Station sa Barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas “Francisco”, 51 taong gulang, may asawa, magsasaka; alyas “Frank”, 25 taong gulang, binata, magsasaka; at alyas “Danny”, 61 taong gulang, biyudo, mangingisda, kapwa mga residente ng Sitio Kalatabog, Barangay Panitian, Quezon, Palawan.
Ang mga suspek ay naaresto sa paglabag sa Seksyon 77 (dating Sec. 68) ng Presidential Decree 705 na binago ng Republic Act 7161 o “Forestry Code” sa bisa ng Warrant of Arrest na may piyansang nagkakahalaga ng Php30,000.
Ang pagkakahuli sa suspek ay tanda lamang ng dedikasyon ng mga kapulisan sa kanilang tungkulin na siguraduhing ligtas ang bawat mamamayan sa lugar na kanilang nasasakupan.
Source: Quezon MPS
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña