Thursday, October 10, 2024

Tatlong suspek, arestado sa buy-bust ng SPD; Php408 halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng Southern Police District at nakumpiska ang malaking halaga ng shabu nito lamang Lunes, Oktubre 7, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “Mark”, 40 anyos na electrician; alyas “Ponggo”, babae, 35anyos; at alyas “Nasria”, babae, 30 anyos.

Naganap ang joint operation sa pinagsanib na puwersa ng SPD Drug Enforcement Unit, DID, DSOU, DMFB, at Taguig City Police Sub-Station 9 katuwang ang PDEA-SDO bandang 11:45 ng gabi sa Barangay New Lower, Bicutan, Taguig City na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php408,000.

Reklamo para sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 ang isasampa laban kay alyas “Mark” at paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 ang isasampa naman laban kina alyas “Ponggo” at “Nasria”.

Ito ay isa lamang sa mga paraan ng SPD na palawigin ang mga operasyon sa pagsugpo sa mga sindikato ng droga upang makamtan ang ligtas at payapang komunidad.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles