Wednesday, May 7, 2025

Tatlong Street Level Individual, timbog sa PNP – PDEA buy-bust

Timbog ang tatlong Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Mahaba, Ligao City, Albay nito lamang ika-28 ng Hulyo 2024.

Kinilala ang mga suspek na si alyas “Piko”, 46 anyos, binata, alyas “Arc”, 50 anyos, at alyas “Tony”, 43 anyos at pawang mga residente ng nasabing lungsod.

Isinagawa ang operasyon bandang 4:30 ng hapon ng pinagsanib na mga operatiba ng PDEA RO5 at Ligao City Police Station na nagresulta sa pagkakakuha sa kanilang posisyon ng 15 gramo ng shabu na nakalagay sa 13 pakete ng plastic sachet na may kabuuang halagang Php82,500.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng PNP Bicol at PDEA RO5 sa pagsugpo ng ilegal na droga sa rehiyon para sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mamamayan. Ninanais ng awtoridad na masugpo ang mga sindikato at maprotektahan ang mga kabataan at komunidad mula sa masamang epekto ng droga tungo sa isang ligtas na Bagong Pilipinas.

Source: PNP Kasurog Bicol

Panulat ni Pat Rodel Grecia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles