Arestado ang tatlong kinilalang Newly Identified Drug Suspect sa ikinasang joint buy-bust operation ng PDEA 10 kasama ang Malaybalay City Police Station at Regional Intelligence Unit Bukidnon (PIT-PNP) bandang 7:12 ng gabi nito lamang Nobyembre 27, 2024 sa Purok 18, NHA Phase 1, Barangay Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joepet Paglinawan, Officer-In-Charge ng Malaybalay City Police Station, kinilala ang mga suspek na si Alyas “Ben”, 37 taong gulang, government employee sa DENR Valencia City, Bukidnon; Alyas “Daryl”, 39 taong gulang, government employee sa DENR Manolo Fortich; Alyas “Vincent”, 39 taong gulang, walang asawa, kinilalang mga Newly Identified Drug Suspect at mga residente ng iba’t ibang barangay ng Malaybalay City.
Nakuha mula sa operasyon ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 10 na gramo na may Standard Drug Price na Php68,000, at isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon kontra sa ilegal na droga ay isang patunay na ang Bukidnon PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon upang sugpuin ang droga sa kanilang nasasakupan para sa ligtas at payapang komunidad.