Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng Underground Mass Organization sa himpilan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang Pebrero 03, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na si alyas “Son”, 30 anyos; alyas “Jem”, 29 anyos; at alyas “Jona”.
Ang mga nagbalik-loob ay pawang mga magsasaka at residente ng Barangay Canano, Hinabangan, Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 8, 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Company 8 at Hinabangan Municipal Police Station.
Samantala, nakatanggap naman ang mga nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya ng 2nd Samar PMFC para sa dokumentasyon at facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating mga miyembro ng UGMO ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso nang wakasan ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na ligtas, payapa, at maunlad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian