Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng makakaliwang grupo sa himpilan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang Disyembre 05, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Mardy I Serna, 3rd Maneuver Platoon Leader ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Buhawi, 57 anyos, CTG member; alyas “Emma”, 61 anyos, UGMO member; at alyas “Fe”, 71 anyos, UGMO member.
Ang mga nagbalik-loob ay pawang mga magsasaka na residente ng Barangay Can-maria, Lapinig, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang Area Police Command-Visayas, Provincial Intelligence Team Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8, Northern Samar Provincial Intelligence Unit, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company, 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company at 52nd Infantry Battalion, 8th Infantry Division, Philippine Army.
Samantala, nakatanggap naman ang mga nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.
Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong at suporta ang ating gobyerno sa mga nais magbalik-loob sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga programa na naglalayong magbigay ng bagong simula sa kanilang mga buhay.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian