Sulu – Timbog ang tatlong lalaki sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng Indanan Municipal Police Station sa Brgy. Buansa, Indanan, Sulu noong Pebrero 6, 2023.
Kinilala ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan MPS, ang mga suspek na sina alyas “Benhar”, 41, alyas “Muhaimin Sali”, 43 at alyas “Najal”, 47, na pawang mga residente ng Indanan, Sulu.
Naaresto ang mga suspek dahil sa agarang aksyon ng mga tauhan ng Indanan MPS ukol sa report ng isang concerned citizen tungkol sa ilegal na pagsasabong na kung tawagin ay “Takbih.”
Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong piraso ng panabong na manok at Php280 na pustahan na ginamit ng mga suspek.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong PD 1602 o “Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling” kapag napatunayang nagkasala ang mga ito.
Ang PNP PRO BAR ay hindi titigil na sugpuin ang mga taong sangkot sa ilegal na gawain para makamit ang kaayusan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia