Timbog sa buy-bust operation ng Las PiƱas City Police Station Drug Enforcement Unit ang isang suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska sa tatlong kilo ng marijuana nito lamang Martes, Hulyo 30, 2024.
Ayon kay Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete, District Director ng Southern Police District, nakilala ang suspek na si alyas “Brad”, 25 anyos.
Naganap bandang 8:00 ng gabi ang operasyon sa Barangay Talon Uno, Las PiƱas City at nakuha ng mga awtoridad ang isang maliit na plastic bag, isang medium plastic bag, at isang malaking plastic bag na naglalaman lahat ng mga tuyong dahon at mga fruiting tops ng hinihinalang marijuana kasama ang apat na cling wrap na plastic na naglalaman ng parehong substance.
Ang kabuuang tinatayang may street value na humigit-kumulang Php360,000, isang asul na eco bag at buy-bust money.
Samantala, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan tungo sa isang maunlad na Pilipinas.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos