Arestado ang tatlong indibidwal ng mga tauhan ng Taguig City Police Substation 10 dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 at Republic Act 9165 sa Barangay Rizal, Taguig City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 20, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard Yang, District Director ng Southern Police District, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ricky”, 48 taong gulang; alyas “Raymond”, 24 taong gulang; at alyas “Aira”, 24 taong gulang.
Nasamsam ng mga awtoridad ang perang ginamit sa pagsusugal, dalawang knot-tied transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na humigit-kumulang 50 gramo ang bigat at tinatayang may street value na Php340,000.
Sasampahan naman ng mga reklamong paglabag sa PD 1602 o “Anti-Illegal Gambling” at RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga nadakip na suspek.
Tiniyak ng SPD na palalakasin ang presensya ng kapulisan sa mga lansangan upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad sa kanilang mga nasasakupang lugar para sa ligtas at mapayapang pamayanan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos