Sumuko at nagbalik sa pamahalaan ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa himpilan ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, sa Sitio Sto. Nino, Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Major Roel Vergel Parreno, Force Commander ng 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, ang mga sumukong CTG ay sina alyas “Domingo”, 49 anyos; alyas “Pen-Pen”, 34 anyos at alyas “Brigol”, 55 anyos, pawang taga-South Cotabato Province at dating miyembro ng Guerilla Front Musa ng Far Southern Mindanao Region.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko ng kanilang armas na kinabibilangan ng isang homemade grenade launcher na may kasamang bala, isang yunit ng homemade single shot gauge .20 na may kasama ring isang bala, at isang yunit ng rifle grenade.
Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni PMaj Parenno ang mga Former Rebels sa pagpili na suportahan ang pamahalaan sa halip na ipagpatuloy ang kanilang armadong pakikibaka sa pakikipaglaban para sa mali at mapanlinlang na ideolohiya ng mga makakaliwang grupo.