Camp Crame, Quezon City – Tatlong awards ang naiuwi at iginawad sa Police Regional Office 2 sa ginanap na ika-121st Police Service Anniversary sa Camp Brigadier General Rafael T Crame, Quezon City ngayong araw ika-8 ng Agosto taong kasalukuyan.
Personal na tinanggap ni Police Colonel Renell R Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office ang Best Senior PCO for Administration at Best Police Provincial Office.
Samantala, tinanghal naman na Best Junior PNCO for Operation si Police Staff Sergeant Arnel G Abenoja ng First Isabela Provincial Mobile Force Company, Isabela Police Provincial Office.
Naging panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa ginanap na aktbidad kasama si Secretary Benjamin Abalos Jr. ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mainit na sinalubong ni Police General Rodolfo S Azurin Jr, Chief PNP.
Samantala, personal ding binati ni Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2, ang mga Awardee sapagkat sinalamin nila na ang mga Valley Cops ay patuloy na nagsusumikap at nagsisilbi sa taumbayan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng Lambak ng Cagayan.
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi