Nagsagawa ang Tarlac City Police Station ng Awareness Lecture sa Barangay Amucao, Tarlac City nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Leslie B Emata, Commander ng Police Community Precinct 8, sa ilalim ng pamamahala ni Police Lieutenant Colonel Sean C Logronio, Chief of Police ng Tarlac City Police Station, na dinaluhan ng mga residente ng naturang lugar.
Ibinahagi sa talakayan ang mahahalagang paksa ukol sa Republic Act 9262 na kilala bilang Anti-Violence Against Women and Their Children, RA 9344 na kilala bilang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, mga Tips sa Pag-iwas sa Krimen at Kaligtasan ng Publiko sa mga Barangay Officials, Barangay Health Workers, Barangay Peace Keeping Action Teams, at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ang kahalagahan ng mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata, partikular na ang Republic Act 9262 at Republic Act 7610.
Panulat ni Pat Maurene A Kiaki