Wednesday, November 27, 2024

Taniman ng marijuana sa Cebu, sinira ng PNP

Tinatayang nasa 800 na piraso ng halamang Marijuana na may halagang Php160,000 ang sinunog at sinira ng pulisya sa operasyon na inilunsad ng mga operatiba ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) at ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 7 noong Sabado, Nobyembre 19, 2022 sa Toledo City, Cebu.

Ayon sa Hepe ng Toledo City Police Office, CPPO na si Police Lieutenant Colonel Dennis De Guzman, ang taniman ng naturang halaman ay natunton ng grupo sa Sitio New Bucao, Barangay General Climaco ng nabanggit na lungsod.

Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel De Guzman, ang suspek sa likod ng naturang taniman na kinilalang si Gregorio Labandero ay naaktuhan pang nagbubungkal ngunit mabilis na nakatakas.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon at paghahanap ng mga otoridad sa suspek upang mapanagot ito sa batas.

Siniguro naman ng Cebu PNP na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng kanilang mga hakbangin upang supilin ang mga personalidad sa likod ng problema sa ilegal na droga sa probinsya at nang tuluyang matuldukan ang iba’t ibang uri ng kriminalidad na kalimitang dulot nito para sa kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles