Magandang araw po sa ating lahat. Ilang araw na lamang at matatapos na naman ang buwan ng Abril. Napakabilis ng panahon, kaya’t kinakailangan na ito ay ating pahalagahan upang walang masayang na oras at pagkakataong dumarating sa atin. Mayroon akong nakausap, sinabi niya sa akin, hindi ko akalain na magiging maganda ang iyong kinabukasan sa kasalukuyan. Noong nasa koliheyo ka ay pa relaks relaks ka lang na parang walang pangarap saa buhay. Pero ngayon ikaw ay isang Pulis at Pastor.” Ang aking tugon sa kanya, “Sa Diyos po ang papuri sa Kanyang pag-ibig at kagandahang loob sa atin. Ang dahilan kung bakit ko natamo ang aking kinalalagyan ay dahil sa habag ng Diyos. At ako ay nag-desisyon na isuko ang aking buhay sa Kanya at tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay. Isang desisyon na nagbago ng buhay ng maraming tao.
Ano ba ang kalagayan ng tao sa harapan ng Diyos?
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”
Roma 3:23 (MBB)
Ang Diyos ay banal at walang makakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos at lahat ng tao ay nagkasala. Yan ang katotohan na kalagayan ng mga tao na katulad ko.
“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
Roma 6:23 (MBB)
Kung ang tao ay makasalanan sa harapan ng Diyos, tayo ay hahatulan ng kamatayan. Ngunit napakabuti ng Diyos sapagkata Siya ay may kaloob na buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay JesuCristo.
Mahal ng Panginoong Diyos ang sanlibutan?
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16 (MBB)
Dahil sa kasalanan ay nawalay ang tao sa presensiya ng ating Panginoong Diyos at walang kakayanan na iligtas ang kanyang sarili sa kaparusahang naghihintay para sa kanya. Ginawa ng Panginoong Diyos na ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus upang ipako sa Krus upang tubusin ang ating mga kasalanan.
Ano ang dapat gawin ng tao upang maranasan ang kaligtasan?
Kailangang sumampalataya na si Jesus ay Diyos na nagkatawang tao, namatay para sa ating kasalanan. Taggapin Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanyang buhay.
Nais ng Diyos na maranasan ng mga tao ang kaligtasan at maranasan ang buhay na walanghanggan na kasama ang Diyos.
Nais mo bang isuko ang iyong buhay sa Kanya, tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong buhay.
Maaari mong gawin iyan sa pamamagitan ng panalangin!
Panginoong Diyos ako po ay makasalanan. Patawarin Mo ako sa lahat ng aking nagawa. Tinatanggpa kita Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng aking buhay. Pangharian Mo ako mula ngayon at magpakailanman. Banal na Espiritu turuan Mo ako ng mamuhay ayon po sa Iyong kalooban. Ito po ang aking dalangin sa Pangalan ni Jesus. Amen.