Dinalupihan, Bataan – Inilunsad ng Dinalupihan PNP ang Talipapa Project para sa mga katutubong Aeta na may temang “Talipapa para sa mga Kapatid na Aeta Tulong Kabuhayan sa Panahon ng Pandemya” sa mga Brgy. Tubo-Tubo, Payangan at Brgy. Bayan-Bayanan, Dinalupihan, Bataan nito lamang Martes, Oktubre 11, 2022.
Ang naturang proyekto ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Sonia Alvarez, Acting Chief of Police ng Dinalupihan at sa pamumuno ni Police Colonel Romell Velasco, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office.
Labis ang pasasalamat ng mga kapatid nating Aeta sa Bataan PNP, sa ibinigay na oportunidad upang maibenta ang kanilang produkto na galing pa sa bundok.
Layunin nitong mabigyan ang mga katutubong Aeta ng hanapbuhay para sa pantustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Dinalupihan Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3