Kawayan, Biliran – Isang takas mula sa Biliran Provincial Jail ang naaresto ng pulisya sa intelligence driven operation na isinagawa ng Provincial Intelligence Unit Biliran Police Provincial Office sa Brgy. Sta. Lucia, Quezon City nitong Huwebes, Marso 31, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Serrano, Acting Provincial Director, Biliran PPO, ang naaresto na si Carmelito Abia y Baguno, 22, tubong Brgy. San Lorenzo, Kawayan, Biliran na kasalukuyang naninirahan sa Teacher Street, Visayas Avenue, Brgy. Ang Sta. Lucia, Quezon City.
Ayon kay PCol Serrano, nakulong si Abia sa kasong panggagahasa (Art. 266-A ng RPC at RA 8353) sa isang menor de edad na naganap noong October 1, 2020.
Nakatakas ang nasabing Person Deprive of Liberty bandang hating gabi sa pamamagitan ng pag-akyat ng bakod sa pasilidad ng Biliran Provincial Jail noong December 6, 2021.
Ang naarestong akusado ay dinala sa Police Station 5, Quezon City Police District at sumailalim sa dokumentasyon bago i-turn-over sa court of origin.
Pinapurihan naman ni PCol Serrano ang operating troops sa tagumpay ng operasyon at agarang solusyon sa insidente.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez
Great job Slamat sa PNP