Naaresto ng pulisya ang isang Taiwanese national at ng kanyang kasama sa pagkidnap sa isang Chinese national noong ika-22 ng Abril 2025.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco D. Marbil, ang dalawang suspek ay nahuli sa magkahiwalay na operasyon.
Ang Taiwanese national ay unang nahuli sa isang subdivision sa Las Piñas City, habang ang pangalawang suspek ay nahuli sa Barangay 19, Pasay City.
Agad namang pinuri ni PGen Marbil ang mabilis na pagtugon ng mga operating units ng Manila Police District, Pasay City Police Station, at Parañaque City Police Station.
Ang operasyon ay nag-ugat sa ulat na natanggap ng pulisya noong Abril 18, na kinasasangkutan ng 41-anyos na biktima.
Matagumpay na isinagawa ang rescue operation at tiniyak ang kaligtasan ng biktima. Parehong nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code.
“Hinding-hindi natin hahayaan na ang mga kidnapping at iligal na pagkulong ay hindi mapaparusahan. Pilipino man o dayuhan ang mga biktima, ang PNP ay gagawa ng mabilis, at mapagpasyang aksyon upang itaguyod ang batas at protektahan ang buhay at karapatan ng bawat indibidwal sa bansang ito,” ani PGen Marbil.
Samantala, patuloy na pinalalakas ng PNP ang kanilang operational capabilities bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang panuntunan ng batas at protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng lahat ng indibidwal sa Pilipinas.
Photos courtesy of NCRPO