Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang tagasuporta ng Communist Terrorist Group sa mga miyembro ng 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company katuwang ang Buug Municipal Police Station sa Buug, Zamboanga Sibugay nito lamang Linggo, ika-29 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay R Capurcos, Force Commander ng 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company, ang sumuko na si alyas “Tikboy”, 47 anyos at residente ng Barangay Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay.
Si alyas “Tikboy” ay aktibong tagasuporta ng CTG Affected Mass Organization (CAMO) Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter, WMPRC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay nang maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya at patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco