Tacloban City – Nakilahok ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa isinagawang I Love Tacloban Barangayan Program na ginanap sa Leyte Progressive Gymnasium, Barangay 65 Paseo De Legaspi, Tacloban City nito lamang Linggo, Oktubre 08, 2022.
Kabilang sa nakilahok ang Community Affairs and Development (CAD) sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Cherilyn H Diolan WCPD PNCO sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Major Winrich Laya A Lim, Station Commander ng Tacloban City Police Station 2 at sa aktibong suporta ni Police Colonel Michael P Palermo, City Director, TCPO.
Ang Tacloban City Police Station 2 ay namahagi ng mga Information Education and Communication (IEC) materials, facemask at pagkain para sa mga kabataan.
Nagsagawa rin ng maikling diyalogo patungkol sa mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at kabataan o ang RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004), RA 8353 (Anti- Rape Law of 1997) at RA 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2012).
Ang aktibidad ay pinangunahan ng iba’t ibang mga tanggapan at departamento ng Local Government Unit ng Tacloban City at sa suporta ni G. Raymund Romualdez, President ng Hiraya Foundation.
Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr. na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.