Tacloban City – Nagsagawa ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office ng clean-up drive pagkatapos ng bagong taon sa kahabaan ng Downtown sa Tacloban City nitong Enero 1, 2023.
Sa pamumuno ni Police Colonel Michael Palermo, City Director ng Tacloban City Police Office, ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa pagtutulungan ng ating mga kapulisan.
Sako-sakong basura gaya ng mga nagamit nang paputok, pyrotechnics at mga plastic ang napulot sa lansangan.
Hinihikayat din ang lahat na residente na ihiwalay at itapon ng maayos ang mga basura.
Gayundin, ang TCPO ay magpapatuloy na maglingkod at magpoprotekta sa komunidad hindi lamang sa mga Holiday season kundi sa buong taon.