Nagsagawa ng symposium ang Cauayan PNP sa pangunguna ni PMaj Esem Galiza bilang pagdiriwang ng National Children’s Month sa Villa Concepcion National High School, Cauayan City, Isabela nitong ika-16 ng Nobyembre 2022.
Tinalakay ni PMaj Galiza ang Gender Based Violence, RA 8353 at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children). Tinalakay din ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan hinimok ang mga mag-aaral na huwag umanib sa mga grupong lumalaban sa gobyerno at iwasang makinig at huwag maniniwala sa mga mapanlinlang nilang adhikain.
Layunin ng aktibidad na ito na linangin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-intindi sa tunay na layunin ng pamahalaan upang makamtan ang tunay na kapayapaan sa komunidad.
Source: Cauayan City Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos