Cauayan City, Isabela – Nagsagawa ng symposium ng Barkada Kontra Droga at Peer Pressure ang Cauayan PNP sa Cauayan City National High School-Research Annex, Cauayan City, Isabela noong Disyembre 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Master Sergeant Jeril Baua at Police Staff Sergeant Lovely Joyce Bulan ng Cauayan Police Station.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang suporta sa programa ng DILG na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) na ang layunin ay mapuksa ang ilegal na droga sa lipunan.
Tinalakay nina PMSg Baua at PSSg Bulan ang tungkol sa mga batas at masamang epekto ng ilegal na droga.
Aktibo namang nakinig ang mga mag-aaral at ang iba sa kanila ay nagtanong din hinggil sa paksa na tinalakay.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang pwersa sa pagsugpo laban sa ilegal na droga sa komunidad.
Sa mga ganitong pagkakataon ay nagigising ang kamalayan ng bawat kabataan para maiwasan nila ang pagsangkot sa mga ilegal na gawain.
Source: Cauayan City PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos