Nagsagawa ng Symposium Activity ang Cordova Police Station sa pamumuno ni Police Major Joffre D Grande, Chief of Police, na tumutok sa mahahalagang usapin tulad ng batas trapiko, mga regulasyon sa nalalapit na Pambansa at Lokal na Halalan 2025, at kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo, at kriminalidad na ginanap sa Munisipyo ng Cordova, Cebu noong ika-2 ng Marso 2025.
Isa sa mga pangunahing paksa ng symposium ay ang mga tamang alituntunin sa halalan. Binigyang-diin ng Cordova PNP ang kahalagahan ng patas at mapayapang eleksyon, kung saan ang bawat isa ay may tungkuling sumunod sa batas upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan o pandaraya.
Gayundin, ipinaalala ng mga tagapagsalita ang mga ipinagbabawal na gawain sa panahon ng kampanya, pagboto, at bilangan ng boto upang mapanatili ang integridad ng proseso ng eleksyon.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng kapulisan na bigyan ng sapat na kaalaman ang publiko upang maging responsable at disiplinadong mamamayan. Sa pagkakaisa ng kapulisan at mamamayan, mas madaling mapapanatili ang kaayusan at seguridad sa bayan.
Source: Cordova PS