Isinagawa ang Special Weapons and Tactics (SWAT) Fit Tactical Game 2 ng Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Nicolas, San Fernando, Pampanga nito lamang Enero 3-5, 2024.
Isinagawa ang kompetisyon sa pamumuno ni Police Brigadier General Redrico A Maranan, Regional Director ng PRO 3, katuwang ang Pragmax, sa pangunguna ng CEO na si Ms. Marjorie Velarde.
Lumahok ang mga SWAT teams mula sa iba’t ibang Provincial at City Police Stations sa rehiyon, kabilang ang Quezon City Police District (QCPD).
Sa loob ng tatlong araw, sasabak ang mga kalahok sa iba’t ibang hamon at senaryong idinisenyo upang masukat ang kahusayan at kahandaan sa high-risk na operasyon.
Layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang taktikal na kakayahan, pisikal na katatagan, at mental na disiplina ng mga Special Weapons and Tactics (SWAT) units.