Thursday, November 28, 2024

Suspek sa stabbing incident, timbog sa Hot Pursuit Operation ng Catarman PNP

Catarman, Northern Samar – Timbog sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng Catarman PNP ang isang lalaki na suspek sa stabbing incident sa Brgy Daganas, Catarman, Northern Samar noong Lunes, Hunyo 6, 2022.

Kinilala ni Police Major Wilfredo Jimenez Jr, Acting Chief of Police ng Catarman Municipal Police Station ang naaresto na si Randy S De Luna, 32, walang trabaho, residente ng Sitio Wati, Barangay Libjo, Catarman, Northern Samar at bayaw ng biktima.

Ayon kay PMaj Jimenez, natanggap nila ang impormasyon nang nagtungo ang MDRRMO personnel na si Jeffrey De Lumen sa kanilang tanggapan upang ireport ang naganap na krimen bandang alas 12:45 ng hapon sa nasabing barangay.

Agad na rumesponde ang mga kapulisan ng Catarman MPS sa pinangyarihan ng krimen at bumungad sa kanila ang nakahandusay at duguan sa semento ang biktima na si Sherwin R Morallos, isang job order employee ng MPOSO.

Ayon sa imbestigasyon, habang kumakain ang biktima sa kanyang tahanan nang biglang pumasok ang suspek na may dalang matalim na bagay at agad na pinagsasaksak sa likod at hindi pa tukoy ang motibo ng suspek.

Dinala ng rumespondeng tauhan ng MDRRMO ang biktima sa Northern Samar Provincial Hospital para gamutin ngunit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Ang agarang tugon ng kapulisan sa nasabing insidente ay nagresulta sa mabilisang pagdakip sa suspek.

###

Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles