Biñan, Laguna – Timbog ang isang babaeng suspek sa panghohold-up ng isang convenience store nito lamang Sabado, Mayo 28, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jerry Corpus, Acting Chief of Police ng Biñan City Police Station, ang babaeng suspek na si Celeste Mercado, 44, walang trabaho, residente ng Burgos Street, Brgy. Isip Norte, Biñan, Laguna
Ayon kay PLtCol Corpuz, bandang 10:20 ng gabi naaresto ang suspek sa Brgy. San Vicente, Biñan, Laguna ng mga operatiba ng Biñan City Police Station na kasalukuyang nagpapatrolya sa naturang lugar habang ang isang suspek na kumuha ng pera na nagkakahalaga ng Php12,510 ay nakatakas at pinaghahanap pa.
Ayon pa kay PLtCol Corpuz, narekober sa suspek ang isang Armscor Caliber 38 at dalawang basyo ng bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong Robbery at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act in relation to Comelec Gun Ban.
Lubos naman ang pasasalamat ni PCol Ison, Acting Provincial Director ng Laguna PPO sa Biñan CPS sa pagkakaaresto at sa mga mamamayan dahil sa agarang aksyon upang matulungan na mahuli ang suspek.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon