Tuesday, April 8, 2025

Suspek sa panggagahasa ng isang PWD, timbog sa Hot Pursuit Operaton ng Cebu City PNP

Timbog ang isang suspek sa panggagahasa ng isang PWD sa isinagawang hot pursuit operation ng Cebu City PNP sa Carlock St., Barangay Duljo Fatima, Cebu City nitong ika-6 ng Abril 2025.

Kinilala ni Police Major Michael John Arandia, Station Commander ng Police Station 11, Cebu City Police Office, ang suspek na si “Aljon”, 25-anyos, e-bike driver, at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-4:25 ng madaling-araw nang pasukin umano ng suspek ang tahanan ng biktima na isang menor de edad, 16 taong gulang, isang PWD (orthopedic), habang ito ay natutulog. Tinakpan umano ng suspek ng kamay ang bibig ng biktima upang hindi ito makasigaw, saka pinagsamantalahan. Matapos ang insidente, agad tumakas ang suspek.

Dakong alas-10:00 ng umaga ng parehong araw, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina upang isumbong ang pangyayari.

Sa mabilis na pagkilos ng mga awtoridad, agad na naaresto ang suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong rape.

Ang pag-aresto sa suspek ay malinaw na nagpapakita ng dedikasyon ng mga kapulisan na maglingkod at magtaguyod ng seguridad sa publiko, at ang sinumang lumabag sa batas ay tiyak na mananagot.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles