Esperanza, Sultan Kudarat – Arestado ng puwersa ng PNP ang suspek sa pananaga sa isang lalaki sa Esperanza, Sultan Kudarat noong Abril 17, 2022.
Kinilala ni PMaj Joel Martinez, Officer-in-Charge ng Esperanza Municipal Police Station ang suspek na si Loreto Orario Olano, 50, magsasaka at residente ng Purok Lower Katilingban, Barangay Ala, Esperanza, Sultan Kudarat at ang biktima na si Joel Soberano y Balaeros, 57, magsasaka at residente ng Purok Mangga, Barangay Mapantig, Isulan, Sultan Kudarat.
Ang biktima ay nagtamo ng taga sa kanyang leeg na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Ayon kay PMaj Martinez, matapos matanggap at makumpirma ang inpormasyon na may isang labi ng lalaki na pinagtataga sa Purok Lower Katilingban, Barangay Ala, Esperanza, Sultan ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Esperanza PNP katuwang ang Sultan Kudarat SOCO.
Sa kasagsagan ng imbestigasyon ay lumutang ang isang saksi sa krimen at itinuro ang nasabing suspek na agad pinuntahan ng mga otoridad upang arestuhin.
Narekober sa bahay ni Olano ang ilang ebidensya tulad ng bladed weapon na kilala sa tawag na “Binakuko” na may mantsa ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen. Nakita din ang mga bahid ng dugo sa sahig ng kusina at isang asul na T-Shirt na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Sultan Kudarat Provincial Crime Laboratory Office para sa DNA Examination.
###
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal