Saturday, November 9, 2024

Suspek sa pagpatay sa isang masahista, sumuko na sa Manduriao PNP

Negros Occidental – Matapos ang ilang araw na hot pursuit operation ng Manduriao PNP ukol sa kaso ng pagpatay kay Christine Gabayeron, 38 anyos na masahista, sumuko ang suspek sa Valladolid, Negros Occidental nitong Miyerkules ika-5 ng Abril 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Albert H Sy, Officer-In-Charge ng Manduriao PNP, ang sumukong suspek na si Romel John Celestre, 21 anyos alias “Dikit”, residente ng Zone 1A, Brgy. Balabago, Jaro, Iloilo City.

Ayon kay PLtCol Sy, nangyari ang insidente ng pagpatay noong Abril 1, 2023, matapos pumunta sina Celestre at Gabayeron sa isang lodging house sa Brgy. Bolilao, Mandurriao, Iloilo City, na kung saan ay natagpuan ang masahista na wala ng buhay.

Ayon pa kay PLtCol Sy, nagtamo ng iba’t ibang injury si Gabayeron sa kanyang katawan, tulad ng mga pasa sa kanyang likod, mukha at sugat sa kanyang ulo na natamo mula sa mga basag na bote ng alak.

Dagdag pa, pagkatapos maisagawa ng suspek ang krimen ay agad itong tumakas papuntang Guimaras Island bago ito lumipat ng Bacolod City papuntang Valladolid, Negros Occidental.

Sumuko ang suspek sa tulong ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at nagpahayag ng kanilang pagpayag upang isuko ang suspek.

Noong ika-5 ng Abril, sinamahan ni PLtCol Sy ang pamilya upang kunin ang suspek, na iniulat na nagtatago sa Valladolid, Negros Occidental.

Kaugnay nito ay pinuri ng kapulisan ng Iloilo City PNP ang pamilya ng suspek para sa matagumpay na kooperasyon upang gawin ang nararapat.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles