Surigao del Norte – Boluntaryong sumuko sa himpilan ng Socorro PNP ang isang suspek sa pagpatay sa isang lalaki nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang sumuko na si Arniel Consigna alyas “Jemboy”, 32, residente ng Socorro, Surigao del Norte.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 8:20 ng gabi nang boluntaryong sumuko si Consigna sa tulong ng mga kamag-anak nito.
Samantala, batay sa Police Report ng Butuan City Police Station (BCPS) 2, napatay ni Jemboy ang biktimang si Christopher Gucor alyas “Boboy”, 46, residente ng Purok 3-A, Brgy. Fort Poyohan, Butuan City matapos niyang hampasin sa likurang bahagi ng ulo ang biktima gamit ang isang bakal na tubo dahil sa personal na galit at impluwensya ng alak noong Mayo 15, 2022.
“This government’s collaborative efforts with the community, demonstrating how the suspect’s relatives assisted in his surrender to correct the suspect’s wrongdoing while also providing justice to the victim and his family”, pahayag ni PBGen Caramat.
Source: Caraga Pulis PIO
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan RPCADU13