Misamis Oriental – Sumuko ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa 10 taong gulang na batang babae na naiulat na nawawala sa mga tauhan ng Claveria PNP nito lamang Sabado, ika-4 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Major Melchor Annaway, Officer-In-Charge ng Claveria Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ariel”, 28, at residente ng Sitio Minantang, Claveria, Misamis Oriental.
Isinawalat mismo ng suspek ang nangyaring krimen na bandang 4:30 ng hapon habang naglalakad ang biktima na mag-isa sa plantasyon ng maisan ay sinakal niya ang biktima hanggang mawalan ng malay, hinalay at hinampas ng bato dahilan ng kanyang pagkamatay at itinago ang bangkay sa isang creek sa Sitio Banban, Claveria Misamis Oriental.
Napag-alaman ng mga awtoridad, ang biktima ay nawawala noon pang Marso 1, 2023 na huling nakita 3:00 ng hapon sa Minantang Central School Claveria, Misamis Oriental na papauwi galing school na nakasuot ng itim na T-shirt, itim na pantalon at puting sapatos na kinilala na si alyas “Sophia”.
Ang Claveria PNP ay inihahanda na ang kaukulang kasong kahaharapin ng suspek sa nagawa nitong krimen na magbibigay ng hustisya sa pamilya ng biktima.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10