Arestado ang suspek na nasa likod ng pagpatay sa dalawang babae sa Davao City nito lamang Huwebes ng umaga Enero 4, 2024.
Kinilala ni Police Captain Diosdado Niones, Officer-In-Charge ng Digos City Police Station, ang suspek na si alyas “Marcial”, 57, residente ng Palo Singko, Brgy. Kapatagan, Digos City.
Napag-alaman na ang dalawang biktima na sina alyas “Jessel”, 15 anyos at alyas “Cora”, single mother ay pawang boarders ng suspek at sa sobrang ingay ng mga biktima kaya nagawa ng suspek ang karumaldumal na pagpaslang.
Dahil sa tip at tawag ng isang concerned citizen at pagbalandra sa mukha ng suspek sa social media at agarang responde ng mga operatiba ng Digos PNP kaya nahuli ang suspek.
Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan upang manatiling payapa ang pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara