Arestado ang isang suspek sa pagtangay ng isang motorsiklo sa isinagawang operasyon ng Isulan PNP sa Barangay Sampao, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang ika-3 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Julius R Malcontento, Chief of Police ng Isulan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mac”, 19 taong gulang, binata, residente ng Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat.
Base sa salaysay ng biktima namataan ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa harap ng Isulan Public Cemetery bandang 2:50 ng hapon.
Mabilis namang naaresto ang suspek at agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti-Carnapping Law of 2016”.
Ang mabilis na pagresponde ng Isulan PNP sa mga krimen ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng komunidad.