Arestado ang isang lalaki sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Cainta Municipal Police Station sa pagnanakaw sa isang Convenience Store sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal nito lamang ika-07 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng R
izal Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Saya”, 25 taong gulang, laborer, residente ng Cainta, Rizal.
Ayon sa salaysay ng biktima na kinilalang si alyas “Raymond”, 48 taong gulang, area manager ng establisyemento, napansin niya umano na bukas ang pintuan ng fire exit at kasabay nito ay nadiskubre niya na natangay na ang company cash fund na nagkakahalaga ng Php212,543.25 at isang unit ng Cellphone.
Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga kapulisan upang maresolba ang krimen at agarang naaresto ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Cainta PNP ang suspek para sa tamang disposisyon at dokumentasyon at nahaharap sa kasong Robbery.
Ang kapulisan ng Rizal ay walang sawang magseserbisyo at maglilingkod sa bayan ng walang kinikilingan at patuloy na ipapatupad ang batas at panagutin ang mga taong sumusuway at lumalabag.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng