Arestado ng mga operatiba ng Butuan PNP ang isang suspek sa pagnanakaw at pananaksak sa isang empleyado ng isang Travel and Tours Agency na matatagpuan sa J. Aquino Highway, Barangay Tandang Sora, Butuan City dakong 8:20 ng umaga, nito lamang Hunyo 17, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas Rolando, 51 anyos, Security Guard, pansamantalang naninirahan sa Iglesia ni Cristo Church Compound T. Calo Ext. Barangay Limaha, Butuan City.

Ayon sa biktimang si Gladys, 40 anyos, residente ng Employees Village, Barangay Libertad, Butuan City, tinangka siyang pagnakawan ng suspek at agad siyang pinagsasaksak na nagresulta sa mga sugat sa kanyang katawan.
Agad tumakas ang biktima para humingi ng tulong at doon nirespondehan ng Butuan PNP na nagresulta sa agarang pagkadakip sa suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang kalibre 38 na baril at dalawang bala.
Patunay lamang na ang Butuan PNP ay alerto at aktibo sa anumang sitwasyon, alinsunod sa direktiba ng ating Chief PNP Police General Rommel Francisco D Marbil, sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin