Timbog ng mga tauhan ng Barobo Municipal Police Station sa isinagawang hot-pursuit operation ang isang suspek sa pagpapaputok ng baril at ipinagbabawal na droga sa Purok-6, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao del Sur bandang 10:50 ng gabi nito lamang Enero 15, 2025.
Kinilala ni Police Major Nurlsan T. Muhadalam, Acting Chief of Police, ang suspek na si alyas “Muklo,” 31 anyos, may-asawa, at residente ng Purok-6, Barangay Poblacion, Barobo, Surigao del Sur.
Sa operasyon, nasamsam mula sa suspek ang isang (1) Colt MFG. CO. Hartford, CT. USA caliber .45 pistol, Serial No. 519275; dalawang magazine na may pitong bala; isang heat-sealed transparent sachet na may lamang shabu at iba pang drug paraphernalia.
“The PNP remains committed to enforcing the law and maintaining Public Safety in line with COMELEC Resolution No.1106,” ani PMaj Muhadalam.
Panulat ni Pat Karen Mallillin