Cauayan City, Isabela (29 November 2021) – Arestado ang isang 49-anyos na suspek sa anti-illegal drug operation ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 7, Barangay District 1, Cauayan City, Isabela noong Nobyembre 29, 2021.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Ogoy na kabilang sa High Value Target (HVT) at residente ng Barangay Bustamante, Luna, Isabela.
Nakumpiska mula kay Ogoy ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu; isang (1) caliber .38 revolver na may 3 bala; buy-bust money na Php1,000 at Php1,000 boodle money; cash na Php422; motorsiklo; at iba’t ibang ID.
Ang naturang buy-bust ay matagumpay na isinagawa ng Cauayan City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Isabela Police Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit-PRO2, Regional Group on Special Concern (RGSC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 2.
Dinala si Ogoy sa Cauayan District Hospital para sa pagsusuri at ngayon ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station para harapin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isinampa laban sa kanya.
Samantala, pinuri ni PBGen Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 ang mga Valley Cops sa patuloy na pagsagawa ng operasyon upang wakasan ang problema sa iligal na droga at kriminalidad sa naturang probinsya at sa buong rehiyon. ###
Good job PNP
Godbless PNP!
Salamat sa Kapulisan
Gpd bless PNP . Mabuhay po kayo
God job sa inyo mahal naming PNP!
Mabuhay po kayo