Bilang bahagi ng pagpapaigting ng Police Regional Office 2 sa kampanya laban sa ilegal na droga, sumailalim sa surprise drug test ang mga tauhan ng Cagayan Police Provincial Office na isinagawa mismo sa Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan, nito lamang Enero 2, 2025.
Dalawampu’t anim na tauhan na itinalaga mula sa Cagayan PPO-Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company ay sumailalim sa sorpresang drug test alinsunod sa PNP Revitalized Internal Cleaning Program, pati na rin ang PNP Internal Disciplinary Mechanism.
Ang surprise drug test ay pinangunahan ng Regional Intelligence Division sa pakikipag-ugnayan sa Regional Forensic Unit 2.
Ayon kay Police Brigadier General Antonio P Marallag Jr, PRO2 Regional Director, ay nananatiling matibay ang determinasyon ng PRO2 na labanan ang ilegal na droga at siniguro na lahat ng Valley Cops ay naninindigan sa integridad ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga.
“I will not tolerate anyone engaging in any illegal activity, particularly with regard to Republic Act 9165. PRO2 is dedicated to upholding the highest standards of professionalism and ethical conduct among its members,” dagdag niya.
Layunin ng naturang drug testing na masiguro na ang bawat tauhan, partikular na sa mga Police Officials na hindi sila sangkot sa anumang isyu sa ilegal na droga at malaya sa impluwensya ng ilegal na droga bilang isa sa mga hakbang ng PRO2 na mapahusay at mapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Source: PRO2
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae D Javier