Thursday, January 9, 2025

Surigao PNP, nakiisa sa paggunita ng 128th Anibersaryo ni Dr. Jose Rizal

Nakiisa ang Surigao City Police Station sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani na ginanap sa harap ng City Hall, City Auditorium, Luneta Park, Surigao City bandang 7:00 ng umaga nito lamang Disyembre 30, 2024.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Mariano C Lukban, Acting Chief of Police ng naturang istasyon, ang aktibong pakikilahok ng Surigao City PNP sa mga gawain tulad ng pagtataas ng watawat, paghahandog ng bulaklak, at 21-gun salute na isinagawa ng 30IB Philippine Army.

Dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, guro, mag-aaral, at miyembro ng komunidad ang nasabing kaganapan na may temang “RIZAL SA BAGONG PILIPINAS: Buhay at Aral, Aming Nilalandas,” binigyang-diin ang kahalagahan ng mga aral ni Rizal sa pagtugon sa mga hamon ng makabagong panahon.

Nagbigay rin ng seguridad ang mga miyembro ng PNP upang masiguro ang kaayusan at katahimikan ng selebrasyon, bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa mga adhikain ni Rizal para sa kapayapaan at katarungan.

Sa patuloy na pagkakaisa ng bansa tungo sa kaunlaran, muling ipinahayag ng Surigao City PNP ang kanilang paninindigan sa pagseserbisyo at proteksyon sa bayan, na isabuhay ang mga aral at halaga ni Dr. Jose Rizal—mga pundasyon ng maunlad at mapayapang Pilipinas.

Panulat ni Pat Karen Mallillin

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles