Surigao City – Pinangunahan ng Surigao PNP ang paggunita sa Araw ng Manggagawa sa pamamagitan ng Duterte Legacy Caravan sa Luneta Park, Surigao City nito lamang Linggo, Mayo 1, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Renato Mercado, Provincial Director ng Surigao del Norte Police Provincial Office kasama si Police Lieutenant Colonel Dante Bernales, Chief of Police ng Surigao City Police Station.
Naging matagumpay ang Duterte Legacy Caravan sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Labor and Employment, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at stakeholders.
Ang aktibidad ay sinimulan sa isang Unity Walk. Nagkaroon din ng libreng bakuna, gupit, tuli at iba pang serbisyong handog ng mga ahensyang nakiisa.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng nasa humigit-kumulang 600 benepisyaryo sa mga serbisyo at foodpacks na kanilang natanggap.
Ang PNP at ang ibang ahensya ng gobyerno ay tulong-tulong upang mapaabot ang serbisyo publiko sa komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13