Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group sa mga operatiba ng Sergio Osmeña Municipal Police Station katuwang ang ZDNPIT-RIU9, 901st RMFB9, 1st ZNPMFC at ZNPIU nito lamang ika-13 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Captain Dante B Tabotabo, Officer-In-Charge ng Sergio Osmeña MPS, ang sumuko na si alyas “Jojo”, 35 anyos, lalaki, at residente ng Purok 2, Barangay Dampalan Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.

Kasabay ng pagsuko ay isinuko nito ang isang .357 magnum revolver at limang bala na walang markings.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco