Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company sa Barangay Minsulao, Siay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika- 5 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay R Capurcos, Force Commander ng 1st ZSPMFC, ang sumuko na si alyas “Ben”, 38 anyos, babae at residente ng Barangay Minsulao, Siay, Zamboanga Sibugay.
Ang sumuko ay dating supporter at koriyer ng CTG-Affected Mass Organization (CAMO) Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya. Agad naman itong nakatanggap ng isang sakong bigas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R Marcos Jr. na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco