Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Josefina Municipal Police Station sa Barangay Earlier, Josefina, Zamboanga del Sur nito lamang ika-18 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Major Juvic D Aballe, Acting Chief of Police ng Josefina MPS, ang nagbalik-loob na si alyas “Oril”, 66 anyos, lalaki, at residente ng Purok 1 Barangay Ebarle Josefina, Zamboanga del Sur.
Ang sumuko ay dating supporter ng Junick ng Western Mindanao Regional Party Committee at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatanggap ng tulong pinansyal at isang sakong bigas.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Marcos na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco