Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang Supporter ng Communist Terrorist Group sa mga tauhan ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company sa Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika-22 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Glenn C Pollescas, Team Leader ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Toto”, 51 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.
Ang sumuko ay dating supporter at tigpaniktik/koriyer ng GF BBC WMPRC at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pagnanais na mamuhay ng maayos at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman itong nakatanggap ng tulong pinansyal at isang sakong bigas mula sa pulisya.
Sa ilalim ng programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong sugpuin ang insurhensiya, ang Pambansang Pulisya ay patuloy na hinihikayat ang mga natitira pang miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa pamahalaan at samantalahin ang programa nitong E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program at magkaisa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco